Luma na ang kamiseta ni Ali. Kailangan niya ng bago.
Ali’s shirt is old. He needs a new one.
Pumunta siya sa shopping mall para maghanap ng bagong damit.
He goes to the shopping mall to look for new clothes.
Sa shopping mall, hindi niya mahanap ang tindahan ng mga damit.
In the shopping mall he cannot find the clothing store.
Pumasok siya sa isang tindahan para magtanong ng direksyon. “Saan ako pwedeng bumili ng mga damit?” tanong niya.
He goes into a shop to ask for directions. “Where can I buy clothes?” he asks.
Tinuro ng tindero ang kabilang dulo ng mall. Ang tindahan ng mga damit ay nasa tapat!
The shopkeeper points to the other side of the mall. The clothing store is on the opposite side!
Pumasok si Ali sa loob at humanap ng t-shirt. Ang mga t-shirt ay napakalaki para sa kaniya at medyo mahal din.
Ali goes in and looks for a shirt. The shirts are too big for him, and quite expensive.
Bumili na lang siya ng isang bagong pares ng pantalon dahil naka-sale ang mga ito. Sa susunod na sahod na lamang siya bibili ng bagong t-shirt.
He buys a new pair of trousers instead because they are on sale. He decides he will buy a shirt next month when he gets his salary.