Ako si Agostino at limampu’t isang taong gulang na ako. Ang trabaho ko ay maghahatid ng pagkain gamit ang bisikleta. Mayroon akong dalawang anak na babae, ngunit halos hindi kami nag-uusap. Hindi na kami magkasama ng kanilang ina dahil hiwalay na kami.
My name is Agostino and I am 51 years old. My job is delivering food by bicycle. I have two daughters, but we hardly ever speak. Their mother and I no longer live together because we are divorced.
Nakatira ako sa aking ina, dahil hindi ko kayang magbayad ng upa matapos ang diborsyo. Napakamahal ng upa sa lungsod na ito.
I live with my mother, as I cannot afford to pay rent after the divorce. Rent is very expensive in this city.
Ilang buwan na ang nakalipas, nagtatrabaho ako bilang isang janitor sa isang kumpanya. Nag-aayos ako ng mga sirang gamit, nagdadala ng mga kahon, at tumutulong kapag may nangangailangan. Isang araw, pinaalis ako ng kumpanya. Hindi ko maintindihan kung bakit.
A few months ago I was working as a janitor for a company. I repaired things that were broken, carried boxes, and helped when anyone needed it. One day the company fired me. I did not understand why.
Nakakita ako ng maraming tao na naghahatid ng pagkain gamit ang bisikleta. Alam ko mag-bisikleta, kaya kumatok ako sa pinto ng isang malaking delivery company. Inalok nila ako ng tatlong euro bawat paghahatid. Kumikita ako ng €40 kada araw, €60 kung swertehin ako at bibigyan ako ng tip ng mga customer.
I saw many people delivering food by bicycle. I can ride a bicycle, so I knocked on the door of a big delivery company. They offered me three euros for each delivery. I make 40€ per day, 60€ if I am very lucky and the customers tip me.
Wala akong bayad na bakasyon, walang pasahod sa sakit, halos walang karapatan. Hindi ko iniisip na tama, ngunit kailangan ko ang trabaho. Karamihan sa mga kapwa empleyado ay mga imigrante mula sa iba ‘t ibang bansa.
I get no paid holiday, no sick pay, hardly any rights at all. I do not think that is right, but I need the job. Most of the other employees are immigrants from all over the world.
Maraming nagdedeliver ng pagkain ang nasasaktan sa mga aksidente araw-araw. Nang isang dalawampu’t limang taong gulang na delivery man ay nabangga ng isang kotse at namatay, doon lamang kami napansin ng mga awtoridad ang aming kalagayan. Nakalulungkot na kailangan niyang mamatay bago ito mangyari.
Many delivery people are injured in accidents every day. Then, when a 25-year-old deliveryman was hit by a car and died, the authorities started noticing us. It is a shame he had to die before that happened.
Kasama ng iba pang mga delivery rider mula sa iba ‘t ibang kumpanya, kumuha ako ng kurso tungkol sa karapatang pantao sa tulong ng lokal na unyon. Nag-alok sila sa amin ng libreng payo sa batas. Nagpursigi kami na magkaroon ng mas malaking pagkilala at karapatan.
Together with delivery people from other companies, I took a course on workers’ rights with a local union. They offered us legal advice free of charge. We struggled to get more recognition and rights.
Matapos ng mahabang panahon, nagbunga lahat ang aming pinaghirapan. Isang malaking kumpanya ng delivery ang napilitang magbayad ng malaking multa at magbigay ng permanenteng trabaho sa mga manggagawa. Ito ang unang pagkakataon na nangyari ito sa buong mundo. Mukhang nagsisimula nang umunlad ang mga bagay.
After a long time all our hard work paid off. One big delivery company had to pay a huge fine and to give workers permanent jobs. It was the first time that had happened anywhere in the whole world. It looks like things are starting to improve.