Masakit ang ngipin ni Tom. Napakasakit ng kanyang ngipin.
Tom has a toothache. His tooth hurts very much.
Kailangan niyang pumunta sa dentista ngunit kailangan niya munang humanap ng lunas sa sakit.
He needs to see his dentist, but first he needs something for the pain.
Nagmamaneho siya papunta sa pinakamalapit na botika.
He drives to the nearest pharmacy.
“Masakit ang ngipin ko,” sabi ni Tom. “Mayroon ka bang gamot para d ‘yan?”
“I have a toothache,” he says. “Do you have anything for that?”
“Oo, eto may painkillers kami. Hindi mo na kailangan ng reseta para dito.”
“Yes, here are some painkillers. You don’t need a prescription for these.”
“Salamat! Magkano ang mga ito?”
“Thank you. How much do they cost?”
“Nagkakahalaga ang mga ito ng siyam na euro, ngunit kailangan mong magpatingin sa dentista.”
“They cost nine euros. But you should see a dentist.”
“Sige, tatawagan ko ang aking dentista bukas ng umaga.”
“Okay, I will call my dentist tomorrow morning.”
“Kapag kailangan mo ng mas mabisang gamot, kukuha ka dapat ng reseta sa iyong dentista o sa iyong doktor.”
“If you need stronger medicine, you will need to get a prescription from your dentist or doctor.”