Ladda ner PDF
Tillbaka till listan med berättelser

Paghahanap ng Trabaho

Skriven av Espen Stranger-Johannessen

Illustrerad av Sunniva Høiby-Øiset

Översatt av Christlaine

Uppläst av Miracel Juanta

Språk tagalog

Nivå Nivå 4

Läs hela berättelsen

Reading speed

Automatisk avspälning


Kailangang makahanap ng trabaho si Alisha dahil kailangan ng kanyang pamilya ang pera para sa pagkain at damit.


Si Alisha ay hindi nagtatrabaho sa kanyang sariling bansa, ngunit siya ay mahusay sa pagluluto at mahilig makipag-usap sa mga tao.


Baka pwede siyang magtrabaho sa isang restawran? Si Alisha ay naghahanap sa Internet ng mga job posting.


Nakahanap siya ng ad para sa isang chef. Iyon ay isang taong nagluluto sa isang restawran.


Pumunta siya sa isang job interview. Sinabi sa kanya ng manager ng restawran na kailangan nila ng isang magaling na chef.


Nadismaya si Alisha, ngunit kumuha siya ng kursong tinatawag na “Food and hospitality”. Umaasa siyang makatutulong ito sa kanya na makakuha ng trabaho sa isang restawran.


Kailangan magtrabaho ni Alisha sa isang restawran bilang bahagi ng pagsasanay sa kanyang kurso. Hindi siya binabayaran, ngunit nakakakuha siya ng karanasan sa trabaho.


Idinagdag niya ang mga detalye ng kursong iyon sa kanyang CV. Ang CV ay isang paglalarawan ng kanyang nagawa at lahat ng mga kurso na kanyang kinuha.


Sa susunod na pagkakataon na pumunta si Alisha para sa isang job interview sa isang restawran, inalok siya ng trabaho. Mahirap ang trabaho. Madalas siyang kailangang magtrabaho sa gabi, kapag nasa bahay na ang kanyang mga anak mula sa paaralan.


Ipinagmamalaki niya na nakakuha siya ng trabaho para makabili ng pagkain at damit para sa kanyang pamilya gamit ang sariling pera.


Skriven av: Espen Stranger-Johannessen
Illustrerad av: Sunniva Høiby-Øiset
Översatt av: Christlaine
Uppläst av: Miracel Juanta
Språk: tagalog
Nivå: Nivå 4
Creative Commons Licens
Detta verk är licensierat under en Creative Commons Erkännande 4.0 Internationell Licens.
Valmöjligheter
Tillbaka till listan med berättelser Ladda ner PDF